Friday, September 18, 2009

LFS Anniversary Celebrated by Protest

Manila--- The League of Filipino Students (LFS) celebrated their 32nd anniversary in front of the United States Embassy in Manila last September 11, 2009.

Militant youth members addressed their grievances in accord with the RP-US military intervention by doing noise barrage and program as well. Terry Ridon, the Secretary General of LFS said that the presence of the United States troops in the Philippines undermines the supposed sovereignty and independence of the country.

The RP-US treaty roused the military group of the Philippines to protest since the independence of the state is being weakened by such dependency agreement. “The continued implementation of the Visiting Forces Agreement (VFA) and other unequal treaties with the US has taken away the victories of decade’s worth of Filipino struggle against US intervention such as the dismantling of the US Bases in 1991”, he explained.

This militarization is being described as nothing but a smokescreen. The VFA has benefited nothing yet the country has given out its own freedom. From the time VFA has become an issue to the country, it was also the time that the group started to fight against it and against the government’s reliance to the American government.
On the other hand, the government said to the military group and other groups that the militarization and intervention between US and RP had been agreed by the two nations from the time that President Macapagal-Arroyo had signed for it. The agreement may cause unhealthy relationship between the two countries.

League of Filipino Students started in 1977 as the Alyansa ng mga Mag-aaral Laban sa Pagtaas ng Tuition Fee (Alliance of Students Against Tuition Fee Increase. Since then, it gathered the militant students and student organizations committed to the protection of the student’s democratic rights. Now, the activist group continues to propagate the line, program and principles of national democracy and to fight the offensives of imperialism, the reactionary government and other counter-revolutionary elements.

Way back 2001, September 11 became a relevant date to US since this is the time when the World Trade Center in New York and the Pentagon in Virginia had been attacked by the military group Al Qaeda led by Osama Bin Laden which brought “War on Terrorism” invading Afghanistan which is still being carried out by the US government.

Thursday, September 3, 2009

PUP-COC Orgs claim the zeal

By: Jerome P. Lucas

The PUP-College of Communication’s celebration of its College week showcased how great mass communication students PUP has. Identified as the Certified Outstanding College of the university, COC claims that it has the most competitive students not only within the university but also among communication students in the country.

Professor Cabahug, the Chairperson of the Department of Journalism of COC stressed that “Hindi magkakaroon ng level three accreditation kung hind productive ang mga organization ng mga departamento ng COC. . . that was last year. That means productive tayo.“ Dr. Robert Soriano, the dean of the College of Communication was not able to give his statement for he is resting after his operation.

COC students’ appearance and participation in local and national television and other media forms has been recognized by the college. Several organizations of the college are the reason why such involvement happened. Those organization achieve high level of appreciation by their college mates and be the reason of distinguishing them as productive society among others. Cabahug reacted “Yung Movers and Motion, lagi kasi silang naiinvite sa labas eh, kaya marami silang raket. Kumikita talaga sila. Movers and Motion. Syempre susunod dun yun ano Teatro ata tapos pangatlo yung Ensemble. Yung maraming raket, yun yung productive.”

On the other hand, Gabriel Mallari, the President of the Student Council of the college believed that the more the organization performs the more productive they are. “Siguro, yung Teatro Komunikado na lang sasabihin ko, kasi sila yung lagi kong nakikitang may ginagawa dito. Di ba sila yung lagging ginagabi dito, sila yung laging may trainings dito,” said Gab. Other organizations, according to him, do not directly benefited their new members and their activities are loyally for their old members.

Meanwhile, Angelito Bautista, class president of BCR III-1D said that the most active organization in the college are Communication Society, Movers and Motion, and Teatro Kom. “Probably, Tkom is very related to bradcast unlike other organization, they do not engage in communication activities,” he insisted.

Although the three parties had given their opinion on whose organization claims the great zeal, the college still believe that without these and other organizations the college would not be as competitive as it is now. College of Communication continues its mission in developing communication skills in its students and in creating a benchmark in the field of communication. Future media practitioners are believed to be born in that college.

Tuesday, August 4, 2009

PAALAM TITA CORY, aking ina, atin.

Intramuros

July 3, 2009


Kay’lan lulundag ang ‘yong anino sa puso
Ng Intramuros na saksi at orakulo
Ng aking hiling at mithiin
Na sa pusod ng Intramuros, ika’y mapasa’kin

Saan lilingon sa lawak ng makasariling mundo
Kung ang layo ng mga hangganang bato
Silbing harang na animo’y pananggalang
Matanaw pa kaya ako ng aking ginagalang

Tsokolateng bato’y bakal ang loob
Noo’y harang sa nais lumusob
Buksan mo Intramuros ang iyong puwerta
Bakas ng paa’y hinihintay ni Makata

Gilid ng patungan ng Kanyon
Sandigan ng tula, sanaysay na umaalon
At nagtatampisaw sa paraisong bakuran
Sang ayon sa kasaysayan, isang tubigan

Doon ko winakasan ang lahat ng kataga
Ng talinhaga at lalim ng mga salitang mahiwaga
Na nagpausog sa iyo’t sa iyong Oo
Na nagpalaglag sa iyo sa masalimuot na mundo

Sa Solana’t Ada unang umulan
Patak nito’y tagos sa tadyang na lumalaban
Sa lamig at ginaw kasabay ng pawis
Ano’t para san pa kung hindi ka ibubuwis

Kasabwat pa ang kalesa’t bata ng nobela
Basilio ang ngalan san na nag-eeskwela
Malipol ang pagpugay at luhod ang sukli
Sa tulong na romantiko at rosas na puti

Taas ng gusali anong sinasabat
Sumuko na’t kalaban ang lambat
Ng ama’t inang ginto ang pananggalang
Sagot ko nama’y sami’y walang hahadlang

Ngunit ilang minuto na
Saan na ang dilag, aking perlas at korona
Habang buhay at habambuhay
Ako’y tatayo hanggang mahimlay

Masulyapan man lang ang matang umaalpas
Sa gitna ng buwan doon ako aangkas
Bakit pinatagal ng gan’to at hindi sadyang sanay
Darating pa ba para sa pagmamahalang tunay

Sa magkabila ay Letran at Pamantasan
Sumuplong sa langit sa gitna ng pulisan
Di alipin, hiling ay kawas
Patawad Magdalena, ligaya ang sa kanila’y wakas

Umiyak ang langit ilang minuto
Pagkatapos ng pagkakagapos sa posas na insulto
Tuwid na bakal, pumagitna sa mundo ng labas at loob
Kapwa mundong pinaglaruan ang pala ang lahat ng sinukob

Lagkit ng dugo ang sa aki’y sumapit
Daga’t lamok, ultimo lumalapit
Sa dulo’y tuloy pa rin ang kapit
Pag-ibig na tunay ‘wag sanang mawaglit

Wednesday, July 8, 2009

Sa Dulo

June 27, 2009

Sa dulo ng linya, may batang anino
Sa dulo ng daan, may palikong kanto
Sa dulo ng salita, matamis ang dala
Sa dulo ng eksena, pagsisi ang bunga

Sa dulo ng kamera, pikseladong anyo
Sa dulo ng lapis, lungkot at alimpuyo
Sa dulo ng papel, puno ang sakripisyo
Sa dulo ng kama, sarap ang sumainyo

Sa dulo ng sayaw, pawis at pagod
Sa dulo ng trabaho, pahinga ang hahagod
Sa dulo ng pagkain, dighay at antok
Sa dulo ng halik, tamis ang papatok

Sa dulo ng daliri, respeto
Sa dulo ng literatura, isang anyo
Sa dulo ng pelikula, isang takot
Sa dulo ng pag-asa, isang bangungot

Sa dulo ng araw, isang paglubog
Sa dulo ng tala, likod na bulabog
Sa dulo ng titik, salitang mabubuo
Sa dulo ng kampana, pagsasabuo

Sa dulo ng pag-alpas, isang pagaspas
Sa dulo ng hangin, lumilipad na palaspas
Sa dulo ng ilog, kartong umaagos
Sa dulo ng bagyo, hinagpis ang bubuhos

Sa dulo ng taon, pagsisisi
Sa dulo ng panahon, muling pagsisisi
Sa dulo ng ulap, langay-langayan
Sa dulo ng bahaghari, gintong yaman

Sa dulo ng piso, walang mapapala
Sa dulo ng lima, kulang pa ang pantoma
Sa dulo ng hirap, nakaabang ang grasya
Sa dulo ng grasya, doon ang demokrasya

Sa dulo ng pulitika, nakatira ang anay
Sa dulo ng pag-aaral, pasasalamat kay inay
Sa dulo ng medalya, utang ang lahat
Sa dulo ng lahat, ganti ay ugaling tapat

Sa dulo ng Pinas, sa itaas ay payapa
Sa dulo ng Mindanao, saan ang payapa ?
Sa dulo ng eleksyon, anong hahantong ?
Sa dulo ng termino, sino’ng magsusumbong ?

Sa dulo ng unlimited, isang pamamalaam
Sa dulo ng tawag, muling pag-aasam
Sa dulo ng lrt, isang Katipunan
Sa dulo ng isa, isa pang kabayanihan

Sa dulo ng Maynila, isang baybayin
Sa dulo ng buhay, ika’y hihintayin
Sa dulo ng hininga, aking babanggitin
Sa dulo ng pangarap, ikaw y tanging akin

Sa dulo ng pisara, isang propesor
Sa dulo ng tisa, estudyanteng alaskador
Sa dulo ng kwarto, tahimik si Pedro
Sa kabilang ulo, si Juan ay tuliro

Sa dulo ng baril, may handang bumuwis
Sa dulo ng pagputok, tatakbo’t babagwis
Sa dulo ng kuryente, barya’y ubos
Sa dulo ng gripo, resibo ang tutustos

Sa dulo ng siyam, isang sanggol
Sa dulo ng tsupon, tigil ang pag-ungol
Sa dulo ng simbahan, doon magtatagpo
Sa dulo ng Luneta, doon ang gapo

Sa dulo ng Cubao, terminal
Sa dulo ng Muntinlupa, isang kriminal
Sa dulo ng Mandaluyong, isang mental
Sa dulo ng Malacañang, isang animal

Sa dulo ng Cha-Cha, panalangin at dasal
Sa dulo ng Mendiola, katarungan ang almusal
Sa dulo ng Morayta, tigil ang pasada
Sa dulo ng Rotonda, hiling ay pag-asa

Sa dulo ng Baclaran, may bagong MOA
Sa dulo ng Pasay, nag-iisang NAIA
Sa dulo ng Divisoria, isang Pier
Sa dulo ng immpyerno, nandon si Lucifer

Sa dulo ng kampanya, saan ka gaganti ?
Sa dulo ng panalo, palad ay nangangati
Sa dulo ng talo, isang pandaraya
Sa dulo ng pandaraya, isang nagsasaya

Sa dulo ng Bulacan, isang Republika
Sa dulo ng Tondo, isang kahirapang sana’y replika
Sa dulo ng Pasig, silakbo’t pagbabago
Sa dulo ng Ako Mismo, mithii’y walang gago

Sa dulo ko, isang panulat
Sa dulo mo, isang pagkamulat
Sa dulo natin, isang pagbubuklat
Sa dulo ng mundo, isang pagbabalikat

Friday, June 12, 2009

BATA, BATA, PAANO KA NAGING AKTIBISTA?!




woah! kinakabahan na ko sa thesis presentation ko sa July 16 sa UP diliman. Di ko alam kung paano ko ipapakita sa lahat ng dadalo ang ganda ng anggulo ng aking pag-aaral tungkol sa mga bata.

Thursday, May 28, 2009

Friday, May 8, 2009

Si Jamal sa Bayan ni Juan




Ni: Jerome P. Lucas

Hindi sa India nakatira si Jamal; matagal na siyang nasa Pilipinas. Hindi matangos ang ilong. Katamtaman ang tangkad. At kayumanggi. Iba sa nakita ko sa pelikula. Kailan ko lang siya nahanap. Nag-aabang ng bagong game.

Bago pa man humakot ng awards and de-kalibreng pelikula ni Jamal, kilala ko na ang Who Wants to be a Millionaire. Si Christopher de Leon ang naghost nun. Tandang-tanda ko pa. Grade 5 yata ako nang magsimula akong maadik sa mga makalaglag-utak na palabas. Nakakasagot na kahit papaano. Mahilig kasi ako sa mga trivia, lalo na pagdating sa kasaysayan. Wirdo na kung wirdo. Pagkatapos ko kasing isambulat yung mga triviang pinakatagu-tago ko, madalas ito ang natatanggap ko: “Ano naman?!” o di kaya’y “Yun na yun?!” o kaya nama’y “Ahh ok!” Hindi nila alam, matagal kong inimbak at binuro yung mga ideyang yun sa utak ko.

Hindi si Magellan ang unang nakalibot sa mundo. Hindi rin si Armstrong ang naunang nakarating sa buwan. Si Jamal… hindi rin.

Sample? Orihinal na nagbukas ang Who Wants to be a Millionaire sa United Kingdom, isang milyong pound ang panimulang premyo. Nagbago nang nagkaroon ng artistang sari-saring bersyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang host? Si Chris Tarrant, malapit sa pangalan ni Christopher. Cash Mountain ang unang working title nito nang pormal na napanood sa U.K. noong Setyembre 4, 1998. Malayo na para maging totoong Jamal, di ba? Mahigit isang daan na bansa na ang nagfranchise nito, kabilang ang Pilipinas.

Noong Abril 2003, ang Briton na si Charles Ingram, ang kanyang asawang si Diana at ang kanyang guro sa kolehiyo na si Tecwen Whittock ay naakusahan ng pandaraya matapos manalo ni Ingram ng one million pound. Sinong makapagsasabing isang bumbay si Jamal? Sa elimination round, ginamit ni Whittock ang pag-ubo upang maituro ang tamang sagot kay Ingram. Nanalo si Ingram hanggang sa huli ngunit ang miyembro ng production crew ay may suspetsa na sa pagkapanalo nito. Sa tulong ng pulisya, inimbistigahan ang pangyayari samantalang ang episode ay hindi ipinapalabas habang hindi pa tapos ang pagsusuri. Sa huli, naakusahang guilty ang tatlo. Hindi rin si Jamal ang nauna.

Pruweba? Si John Carpenter ang kauna-unahang nanalo ng milyon hindi lang sa Estados Unidos kundi sa buong mundo. At heto pa, hanggang sa dumating lang ang huling katanungan, doon lang siya gumamit ng lifeline niya. Tinawagan niya ang kanyang pamilya. Nandaya ba siya? Siya lang ang nakakaalam. Sa kasaysayan, siya rin ang kauna-unahang na-boo ng mga audience sa mismong palabas. Ito ay nang sinagot niya ang pinakaunang tanong: What do you do for a living?

Kung hindi ba nasunog ang original studio ng Who Wants to be a Millionaire sa IBC 13, tatatak ba ako sa mata ng tao?

Tatlong taon lang umere sa Philippine television ang kilalang game show. Taong 2000 hanggang 2002. Wala pa ‘kong tsansa nun. Wala pa sa legal age. Malas. Babalik pa ba yun?

Gabi-gabi. Noong elementary days ko, hindi ko pwedeng makaligtaan ang one-on-one tanungan ng premyadong actor at ng isang ordinaryong Pilipino. Pang-matalino talaga! Pero kung namental block ka, di mo na maalala ang nabasa mo sa bookstore, narinig sa kung kanino, at napanood sa telebisyon, pwede kang sumaklolo. Dagdag thrill un! Natatawa ako kapag naiiiba yung sagot ko sa sagot ng sinaklolohan pati ng mismong contestant. Tama ba ako o mali? Huwego! Minsan eh napapatumpik pa ang kamay ko kapag alam kong tumpak talaga ako. Gusto kong pindutin yung tv screen nang umilaw na ang letra ng tamang sagot at nang magkamilyon na. Walang kibo kapag mali pala. Pero hindi ako nagsasawang magkamali, di pa naman yun ang game ng buhay ko.

Madalas ding mapabilib ang inay at ate ko sa akin nun. Nasa barko pa noon si itay. Lagi kasi akong nakakasagot nang tama sa mga tanong ni Christopher. Hindi ko na maalala kung magkasunod pa yung game show nila ni Edu Manzano, yung Weakest Link. Dapat mabilis ka run pero ako, nakakahabol. Parang ang buong katawan mo, eh isip. Isipin mo yun, ilang segundo lang ang ibibigay sa’yo para makasagot. Dahil yata sa mga ganung palabas kaya ako tumalino. Bukod kasi sa natural akong mahilig sa trivia, natatasahan ang utak ko sa tuwing nanunood ng mga game shows. Natatahian din marahil dahil ang mga kaalamang hindi ko mabasa nang madalian sa mga bookstore eh dun sa tv ko nalalaman.

Sino bang ayaw ng daang libo? O ng angaw? O ng isang libong angaw? Walumpung milyon ang nag-aabang.

Marso. Hindi ko matandaan kung anong petsa basta Marso yun. Umabot sa mahigit dalawang daang milyong piso ang jackpot sa lotto 6/49. Mapapamura ka sa premyo. Putek! Inaya ko ang mga kabarkada kong Iskolar ng Bayan para tumaya. Mga walang pera. Financial crisis kasi kami dahil sa walang kamatayang development communication campaign. Kapit-patalim tuloy kami sa lotto. Maganda yung combination na nabuo mula sa ambagan ng napupusuang numero. Anim kami. Sakto. 3-15-16-21-43-47. Nakanang dib a? Walang lamangan. Nakaabang sa kanya-kanyang bahay kinagabihan. Ako ang may hawak ng ticket. Paglabas ng mga bola! Nakang din! Mapapamura ka! Putsa na! Wala kahit isa! Oo! Nakanang! Nakakatawa.

Maganda yung combination naming pero mas maganda yata yung sa nanalong taga-Luzon. Si Jamal nasa Pinas na nga. Nakanangtut!

Malaki ang partisipasyon ng telebisyon sa pagdami ng Jamal lalo’t apektado ang bulsa ng mga tao dahil sa mala-atomic bomb na krisis pangpinansyal. Una, sa pamamagitan ng pagbobroadcast ng lotto fever, mas lumawak lalo ang interes ng nakararami rito. Pangalawa, ang paglalarawan ng media sa phenomenon ang nagtutulak sa mga tao na tumaya. Maging ako, natapik! At pangatlo, dahil sa mga drama at iba pang true-to-life stories of success na ipinalalabas sat v, nakakarelate ang sambayanan. Kaya’t ang realismong ideyang may Jamal ay nagging surrealismo. Si Juan nagkatawang tao. At nanganak nang nanganak nang nanganak. . .

Ask the audience. Lahat sila makikisagot. Makikiramay sa pagpili ng pinakatumpak na sagot sa apat na letra. Kalahi rin nila si Jamal. Sino bang ayaw mabiyayaan? Kahit balato lang.

Sa Lacson underpass sa Quiapo, Maynila. O di kaya sa Altura outlet. Pwede ring sa Vicente Cruz. Doon madalas tumaya ang nanay ko. Hindi bisyo. Kapag may panahon at sobrang barya lang. Ang mga numero? Mga kaarawan naming. Lima kami sa pamilya. Ang isa, namaalam na pero bilang paggunita, parte pa rin siya ng lucky numbers ni Inay. Gaya ng iba, may inaalagaang mga numero rin ang inay. Madalas, bawi lang. Pero wag kayo. Nanalo na siya ng bente mil. Oo! Nakanang! High school pa ako non. Wala pang krisis kaya feeling jackpot winner ang eksena. Nanalo rin siya ngayong unang quarter ng taon. Di ko matandaan yung petsa. P500. Wala lang. Dumaplis lang sa pilik-mata. Pero marami pang pagkakataon. Hindi lang naman kasi si Ina yang Jamal sa pamilya.

Wala na yung matabang maliit na may salamin. May uban at medyo may katandaan na. Dumadaan siya sa tindahan naming dati. Tiga-kolekta siya ng mga gusting tumaya sa loteng. Kamag-anak ng lotto. Anak ba. Di hamak nga lang na mas malaki ang tsansa mong manalo. Pano ba naman, labindalawa sa halip na anim ang pwedeng piliin. Sa maliit na papel, kasinlaki ng ticket ng bus, bibilugan mo ang mga numero. Nakabase sa pambansang lotto yung kombinasyong mananalo. Ibig sabihin, kung 6/42 sa lotto, ganon din sa loteng. Yun nga lang, mas mababa ang premyo. May nakatakdang premyo sa kung ilang number ang nakuha mo. Malas kung nakuha mo lahat pero sa loteng ka umasa. Si tatay ang hanap ng lalaking yon. Di in naman madalas. Kapag sinumpong lang, di naman kasi araw-araw sumasaglit sa amin yun. Halo-halong numero ang taya ni itay. May mga sign sa likod ng bawat bibilugan. Parang si Jamal.

Call a friend. Sa loob ng tatlumpung segundo, magbabago ang buhay mo. Isang tawag lang.

Kasabay ng pagkuha ng passport ko. Oo! Di ko yun malilimutan. Ala-una ko dapat kukunin sa DFA sa Pasay yun. Pero nang mga oras nay un, nasa bahay pa lang ako. Wowowee ang tutok. Nandoon kabarkada ko. Bago ang araw na iyon, tinext siya ng nanay niya. MassCom Beauties daw yung kailangan para sa kinabukasang episode ng segment na Willie of Fortune. Wala na siyang pinalampas pa. Di pa nga siya pinayagan ng prof namin sa Psyche eh pero gumawa talaga siya ng paraan. Anong silbi ng excuse letter? Dalawa sila. Siya lang ang pinalad. Walang dalang registration card ang isa kong kaklase. Patunay kasi yun na nakaenroll siya sa kasalukuyang semester. Napasama siya sa anim na sinalang contestants. At swerte. Nanalo siya hanggang sa huli. Hindi nga lang gaya ng napanalunan ng slumdog millionaire.

50-50. Dalawa na lang ang pamimilian. Mamimikila ka ng isa. Back to zero? O isang milyonaryo? Aba malay.

Tuwing Linggo, madalas wala ang itay. Umaga hanggang hapon. Nasa sabungan. Naglevel-down na nga eh. Dati kasi, kaya niyang pagsabayin ang sabong at karera. Lahat na yata ng genes ni Jamal eh nasa kanya na. Pinagkaiba lang, mas madalas siyang bigo. Milyon na yata ang talo. Kapag panalo ang manok niya, may maiuuwi siyang ulam para sa hapunan at para sa susunod na mga bukas. Binabalatuhan niya rin kaming mga magkakapatid. Ang natalong manaok, bitbit din niya. Si Inay, jackpot din. Kapag talo. . . wala. Anak ng!

Fanatiko rin ang ama ko ng mga mabibilis na nilalang sa San Lazaro. Iyan ang dahilan kung bakit pinipilit niyang magkaroon kami ng cable connection. At dahil maliit lang an gaming bahay, kung nasa sala ka eh maririndi ka sa taga-anunsyo sa karera. Halos araw-araw yon, noon. Pero hindi riyan nagtatapos ang lahat, ang “sa pula, sa puti” este ang “meron o wala” ay napapanood na rin niya sa tv. Hindi ako natutuwa pero pipi na lang ako. Ito ay dahil alam ko na kahit anong gawin ko eh mahirap mamh tanggalin ang bisyo ng itay hangga’t may hinahawakan siyang pera. Aminado rin ako na nakinabang din ako sa gawaing iyon ng aking ama. Sobra!

Kaya ba may Deal or No deal, Survivor, Pinoy Big Brother, Taktak mo, at Pera o Bayong? Dahil ditto isinilang ang mga kamag-anak ni Jamal? Isa lang naman ang trono.

Yung lolo ng kaklase ko, nanalo sa lotto nung kapanahunan niya. Bumili ng malaking lote sa Sta. Mesa, malapit sa G. Tuazon, sa Mindanao Street. Pati ng lupang libingan sa La Loma at sa probinsya. Ngayon, ilang kamag-anak na niya ang nakikinabang ditto. Pero si Lolo Jamal, hindi ko alam kung anong reaksyon sa mga nangyayari. Kasabay kasi ng panunuluyan ng kanyang mga anak at asawa sa mga tinubuang lupa ay ang paninirahan ng alitan sa gitna ng magkabilang dugo ng dalawang pamilyang naulila niya.

Is that your final answer? Lock it in? Iisa lang ang sagot. Oo.

Tatlo na kaming magkakapatid ngayong taon sa kolehiyo: ako, Mass Communication; ang ate ko Accountancy; at ang bunso namin, Nutrition and Dietetics. Malaking tulong ang pagpasa naming sa entrance exam ng pinapasukan namin. Pinag-igihan namin na parang pila ng audition ng game show ng kapalaran. Kung hindi kasi kami nakapasa dun eh malamang hindi namin tuluyang masusustentuhan ang edukasyon naming. Aba, kahit state university lang kami, de kalidad naman ang natututunan naming. Iskolar ng bayan ba. Ngunit kakabit nito ay ang susunod na audition. Pagkatapos kasi ng trabaho, elisita ang makakasama sa pag-apply ng trabaho. Lamang sila pagdating sa malaking pangalan ng kanilang paaralan pero pareho rin kaming naghirap at nag-aral. Parang si Jamal, alam niyang hindi siya nandaya pero dahil mahirap siya, maraming nakatitig sa kanya. Totoong hindi nalalayo ang istorya ng gaya ko sa istorya ni Jamal.

Kaya’t nung March 29, nung ikalabing walong taong kaarawan ko, nagsimula muling mabuhay ang kapirasong Jamal sa gulugod. Akala ko pwede ma kong sumali sa kilalang game show pero bigo ako nang maalalang hindi pa pala ako pwedeng sumali para rito. Isang taon pa, tandang-tanda kong pagkakasabi sa akin ng kaibigan ko. Hinanap ko yung logic, yung malalim na dahilan pero wala akong naisip. Hayaan na nga. Makakapaghintay pa naman ang panahon.

Pero dahil malakas ang tama ng dugo ko sa mga game show, napagdesisyonan kong ready na ko. Sasabak na sa mga contest na gaya ng iba, naniniwalang “sagot sa kahirapan”, “abot pa ang pangarap”. Ayoko nga lang sa mga artista search. Bukod kasi sa mas maraming kalaban, hindi yun yung nakikinita kong larawan ng kinabukasan ko. Naalala ko tuloy yung mga kapitbahay naming na aliw na aliw sa pangarap nilang Makita sat v, yung maging gaya nila Kim at Gerald, pati nila Mark at Jennelyn. Ngunit madalas, umuuwi silang pagod at talunan. Meron naming isa, kaedad ng ate ko, isang modelo na: sa mga magazine at broadsheet. Nakakagilas talaga. Minemake-over siya tapos ipapakita sa pamamagitan ng litrato ang before at after na parang walang pinagbago, parehong maganda. Siguro nasa marangyang lugar na si Leah, sila ng kanyang pamilya. Noon kasi, alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon nila; nilalakad nilang magkakapatid ang kahabaan ng Ramon Magsaysay Boulevard tapos liliko sa kanto ng Altura Street, gigilid sa kanan ng Buenos Aires, doon sila nag-aaral noon, sa Antonio A. Maceda Integrated School sa tabi ng Burgos Elementary School. Kung sa Maynila, malayo na ang distansyang nilalakad nila para lang makapasok. Para sa isang batang probinsyano, madali na lang yun. Nakikita kong engganyo sila sa oras ng paglalaro. Magkalabang koponan kami lagi noon, parehas kaming patotot. Iba na ang nilalaro niya ngayon: ang komersyalismo ng mga bigating industriya ng pamamahayag.

Hindi na rin masama, hindi naman kasi napag-iwanan ang ate ko. Graduating na siya hindi gaya ng mga kaedaran niya. Isang taon na lang magmamartsa na siya ngunit tila mauunahan ko pa siyang magtrabaho dahil sa isang taon pa riyang magsusunog ng kilay para sa CPA board exam niya. Ang bunso kong kapatid, sa akin na rin ibinilin nang maaga ni inay. Bukod sa magastod ang kanyang kurso, ako raw ang mauunang sasabak sa trabaho. Kakabit din nito ang palagian kong pag-alala sa mga pinsang buo ko sa Cavite na pinangakuan ko sa sarili ko na tutulungan ko. Sisikapin ko. Sayang kasi ang talent at talas ng utak ng mga batang yon kung maisasantabi lang sila. Yaman din yun.

Sa nobela nagsimula ang konsepto ng Slumdog Millionaire, sa nobela rin kaya maiuugnay ang game ko?

Tatlong beses ko nang napanood ang Slumdog Millionaire pero ang totoo hindi lang iisa ang katauhan ni Jamal: may ama, anak, ina, kapatid, lolo, kapitbahay, katropa, kababata at kung anu-ano pang. At habang malalim kong pinagmamasdan ang katauhan ng mga tao sa paligid ko, nakikita ko sa kanila si Jamal. Puno ng pangarap. Liban dito, napagtanto ko ring hindi lang ako ang umaangkin sa istorya ng kapalaran ni Jamal. Marami. Naglipana talaga. Lalo na dito, sa bayan ni Juan.

PS: Takte. Akala ko hindi na babalik yung game show na yun. Kamakailan lang nakita ko sa pahayagan ang balitang ibabalik daw sa telebisyon ang Who Wants to be a Millionaire. Ginanahan ako kahit marami akong dapat asikasuhin higit dun. Pero mag-aaudition pa rin ako. Walang makakapigil.

Thursday, April 30, 2009

Wednesday, April 29, 2009

Ang pagbibinata ni justin. . .

Sa pagsisimula kong maglakbay sa iba't ibang blogs, nakaramdam ako ng kakaibang pagkamangha sa galing ng mga PINOY pagdating sa malikhaing pagsulat. Marami ngang magagaling na manunulat sa bansa.

Bago ko ipost to, e nagsearch muna ko ng mga blogsites kung paano at ano ang kadalasang laman ng mga sites. Kadalasan, kwento ng sariling buhay. Nakabasa na rin ako tungkol sa mga samahan, mga kritiko at kung anu ano pa. Dahil din sa malawak na ang nararating ng cellphone ko, kung anu ano na rin ang nabasa ko.

Hindi ko intensyon ang mabasa ang isang blog. Walang title. Pero alam kong pambastos. Binasa ko pa rin. Naniwala na rin kasi ako na kasabay ng mga bagong kategorya ng literatura ay ang mga erotic literature (mayroon ding gay lit). Tungkol kay justin ang nabasa ko. Isang estudyante sa kolehiyo na may pagnanasa sa kanyang pinsan. Nagsimula ang maikling kwento sa pagsundo ni justin sa pinsan niyang si erika at doon di na nag-alinlangan pang umamin sa kanyang nararamdaman.

Mabilis ang daloy ng kwento. Sa motel agad ang tungo ng dalawa. Ang mga sumunod na eksena ay patungkol na sa walang kasawaang pag-iisang katawan ng dalawa. Di ko na ilalarawan pa. Ang masasabi ko lang e para siyang xerex story.

Sa dulo ng kwento ay naisambulat ni justin na hindi lang si erika ang kanyang nakakatalik. Hindi lang si erika ang kamag-anak niya na nakakatalik niya. Pati ang kanyang tiya lucy.

Ang pagtatago ni justin at ng kanyang tiya sa pagtatalik habang ang asawa niya ay nakikipag-inuman ay makatotohanang naisalaysay ng kwentista.

Patuloy ang daloy ng istorya sa pamamagitan ng araw-araw ng pagtatalik. Ang problema. Parehas niyang minahal ang dalawa. Problema rin niya, parehong di pwede. Kadugo niya kasi.

Nagulat lang ako sa reaksyon ng isang blogger din. Panget daw ang istorya. No comment. Frame of Preference sabi nga sa isa Communication Subject namin. Para lang sa akin, maganda ang istorya, hindi dahil bastos kundi dahil makatotohanan. Produkto naman ng realidad o imahinasyon, napagana ang isip ko kahit saglit. At sinalamin din nito ang bagong mukha ng literatura, ang EROTIKA.

Sinisinta Kita...




Ang Paboritong Libro ng mga PUPian.

At ang Totoong Mukha ni Pylon.

PATOK! (paglisan sa kontemporaryong sanaysay)

Isinulat noong:
Enero 22, 2009

Kung nakasakay ka na sa roller coaster, masasabi mong “astig” at kadalasan ditto umiikot ang buhay ng bakasyon, sa mga amusement rides na humihila ng sikmura, nang-aaliw, nagbubuklod at umuubos ng perang napamaskuhan. Para sa mga undergraduate gaya ko, ang mga plakang “CUBAO-DIVISORIA” at “PARANG-STOP & SHOP” ang humahalili at nagsisilbing gawi (ritwal na ata) para makaranas ng mga mala-SUPERMAN na lipad at mala-FLASH na bilis na ride. Jeep na PATOK kung sila’y bansagan.
Unlimited air. Yan ang masasagap ng baga mo pag nasubukan mong pumatol sa patok. Hanging maaaring mula sa mga tambutso ng mga mabibilis na sasakyan at ng mga mababagal. Hanging maaari ring singaw ng katabi mong sinuyod ang Kamaynilaan sa paghahanap ng disenteng trabaho o ng katapat mong kaeskwela mo o ng driver na tagaktak ang pawis, sariwa ang amoy, babad sa init. Hanging dala mo sa sarili mong katawan kasama ng pagod, hirap at sakripisyo bilang taong naghahangad makaraos lang sa bawat araw. Hanging niluto ng lipunan, ng sari-saring tao sukbit ang iba’t ibang lagay o sitwasyon sa buhay. Hanging nakakalunod.
Nang dahil sa patok, walang nalelate, bumibilis ang aksyon ng tao, ng ekonomiya, ng pera, ng hanapbuhay, ng gulay, prutas at iba pang produkto, ng pangarap, ng trapiko, pati ng buhay. Buhay na nasasayang dahil sa walang pakundangang pagmamaneho ng mga amo ng patok.
Nang dahil sa patok, akala ng iba’y nakakatipid ang gintong presyo ng gasoline ng mga jeep ngunit kabaligtaran. Nagagamit nang husto ang mga maliliit na piyesa nito na nagpapaandar at nagbibigay-daan para mas mauhaw sa gasoline ang jeep na patok.
Nang dahil sa patok, nagagawa ng isa na lumipad, mangarap, makasagasa, umunlad at sumadsad. Ang buhay…puno ng paglalarawan tulad ng sa pagharurot ng patok. Mabenta ngunit walang lugar sa katwiran. May lusot ngunit lamang ang gusot.
Hinuhulma ng lipnan ang tao sa dalawang paraan: ang tradisyonal at patok na pamamaraan. Kultura ang nagsasabing edukasyon at edukasyon lamang ang paraang maghahatid sa makabuluhang buhay. Naniniwala ang mga Pilipino noon na ang diploma ang susi sa makatarungang tranaghong masasabi mong naabot mo sa buhay mo. Kapatid ng paniniwalang ito ang pag-asang yumaman at hukayin ang paa ng buong angkan sa hirap, sa kumunoy, sa kawalan. Sa panahong bata pa ang isip, mag-aral nang mabuti ang number one rule.
Sagot ng patok, “In any rule, there is an exception.” Patok na buhay? Ang magtrabaho habang maaga para makakain, para mabuhay ngunit di para yumaman dahlia ang pagyaman ay isang kapalaran para sa mga fans ng patok. Sa ganitong pilosopiya rin ng buhay nabubuo ang makabagong depenisyon ng edukasyon: PRIBILEHIYO; katapat ng pera: para sa mayaman o may kaya; walang libre. Ang bawat libre, may bayad. Saan ka dadalhin? Sa nakasanayan. Anong ituturo? Ang mala-teleseryeng pagkamatiisin. Ang curriculum ay serye ng walang hanggang paglubog sa lupang sumpa sa di masolusyonang kahirapan at katiwalian. Ganyan ang buhay ng mga estudyante ng unibersidad ng kalye, estudyanteng wala sa apat na sulok kundi sa bilog at mabolang mundo. Naniniwala silang diskarte ang resume sa buhay at maabilidad ang lagging hired. Para sa kanila, ang buhay ay tadhana. Kung isinilang ka sa basurahan, makakarating ka sa paraiso, sa mabundok, sa pinanggalingan mo…Payatas. Patapon.
Madalas, niyayakap tayo ng mas patok na prinsipyo, yung dinudumog at pinagkakaguluhan. Patok ba ang patok sa iyo? Ang bawat pintuan ay may limitadong haba at lawak lamang. Ibig sabihin, sa bawat kumpol ng publiko, iilan lang ang makakapasok. Gaya sa patok na pamumuhay, iilan lang ang qualified mabuhay nang swertr, nang makaahon nang walang tinta sa utak at walang logic sa mga mata.
In every action, there’s an opposite reaction. Ang sakripisyo para matuto sa thesis, termpapers, reaction papers at iba pang may papers sa pangalan ay ang pinakamalinaw na entry sa raffle ng tagumpay. Hindi lang obvious. Talino at karanasang dala sa classroom ang tamang resume. Bonus na rin ang diskarte. Ang unang galaw ng patok ay nakasalalay sa mga taong naniniwala sa bilis ng buntot ng usok. Paminsan-minsan, patok sa akin ang mahaharot na jeep. Hindi dahil nagmamadali ako sa bawat minsan kundi dahil minsan sa buhay ko, napagod din ako.

Graduation RIGHTS!




Eto ako noon, Paano na ako NGAYON?

54 faces, 54 trends

Isinulat nooong:
Enero 3, 2009
Limapu’t apat na kahong patag,
Naglipana. Bawat isa, sa kapwa kahon ay panatag.
Konkretong anino’y hinahabol.
Tingi’y abot; paa’y iba na ang silong.

Hilera ang larawan, sana’y bundok at patong na lamang.
Iisa ang nakatingala,
Dalawang gusali ang saksi.
Apat na tao’y kalakip, isang milenyo ang kapalit.
Titikom na lang sa oras na mangyaring muli.

Kutsilyong nagpatulis sa aming dulong itaas,
Paltos man ang dulot ng mahabang paglalakbay.
Isang pagyuko at isang pagkaway,
Aming ibibigay.

Anumang oras, pangala’y magbabago.
Larangang niyakap, tinaplos at tinuluyan,
Siyang bubuhay sa kasalukuyang larawan.

Bakas na lamang kami;
Anino kumbaga.
Kahapon ang tawag,
Kaibigan,
Kailanman.

Litrato, litrato.
Totoong litrato… ang hanap at sinisigaw ko.

BINTANG PAARALAN (THEME SONG NG PUP)




ITO ANG KANTANG PAMALIT SA PINAKAINAAWAY NA ISKUL SA KOLEHIYO. Joke.

Isinulat noong:
Pebrero 9, 2009

Bintang Paaralan
“Salot ng Lipunan”
Takbuhan lamang ng mahihirap
Silang may kaya, alam lamang puros sarap
Wala nang inisip
Kundi mang-apak

Sisikpain ang makatapos
Mula ngayon hanggang sa bukas

Ang iyong uyam, kutya, at pang-aasar,
Piliting maging abo
Para langmakita
Piliting maging tao

Sisikapin ang makatapos
Mula ngayon hanggang sa bukas

Para sa mga kapwa ko iskolar ng bayan na inaapi, dinudusta, kinukutya. Tuloy ang laban.

SINIMULAN NI FRANCIS M., IPAGPAPATULOY KO.




MAY DUGONG MAKABAYAN!


aba, kung mayaman lang ako, nabili ko na mga makabayang damit sa mga mall. kasi hindi eh, masaklap.

Ang panganganak ni Darna

Isinulat ko noong:
Pebrero 19, 2009

Nakikipaghabulan sa hininga kasabay ng matinis na pag-iri ang eksenang unang patutunguhan ng bawat maliit na replica ng tao. Higit pa sa dugo’t pawis ang puhunan ng isang ina sa pagluluwal ng supling na kalauna’y sobra pa sa material at di-materyal na bagay ang hahanapin at ikabubuhay. Sila ang mga kanlungang di nawawasak anumang lindol at bagyo ang dumating ngunit buhos ng ulan ang aagos mula sa kanya sa oras na basagin ang puso niya ng isang mahal sa buhay, higit sa lahat ng kanyang sariling anak. Sa modernong kalakran, sila ang tinatawag nating DARNA… superherong bigo.

Hindi man pormal na sabihin ng lipunan. Hindi man tuluyang sabihin ng hari’t reyna ng pamahalaan. At hindi man lantarang aminin ng kabataan, mulat na mulat maging ang lupang di kumukurap sa katotohanang baka lango na sa droga ang kapatid mong mura pa ang gulang. Higit pa sa prinsipyo, kalayaan at moralidad ang ninanakaw ng isang drug user sa buhay niya. Paano pa kaya ang isang batang sa murang taon ay nabanatan na ng shabu o di kaya’y napaaway dahil dito? Pagkabata. Jackpot ang mabuhay nang nabibilad sa araw kakalaro ng patintero, nasusugatan kakatakbo at nadudungisan kakayapak. Edukasyon. Papayag ka bang di man lang makahaplos ng classcards? Nanakawan ka ng sarili mong kalokohan.
Isinilang si Darna para sa pandaigdigang kapayapaan tulad ng mga ulirang magulang na nagsasakripisyo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sa kabilang mundo nama’y nagtatago sa kumot ang mga anak na pinupuntirya ang deliryo’t kamangmangan. Droga sa halip na pluma. Lighter sa halip na kwaderno. Oo ga’t sa bato nagmumula ang powers ni Darna ngunit sa maliwanag na paglalarawan, representasyon lamang ito sa buhay ni Darna, walang buhay. Bato nga eh. Isang imahinasyon.
Binubuhay at patuloy na pinapatakbo ng ilang kabataan ang batong inihagis lang ni Ding. Walang magiging hero sa paghithit ng bato. Walang theory na nagsasabing sa pamamagitan ng bato, maililigtas mo ang kahiganteng batong tinatawag na mundo. Pagsama-samahin mo man ang milyun-milyong bato, malayo pa ito sa pagsagot sa problema ng mundo. Maging simpleng solusyong magpapaagos sa buhay tungo sa malamig na batis
Sa bawat isang milyong sanggol na iniluluwal ni Darna, isa lang ang sumuway sa tagubiling huwag durugin ang bato’t tunawin sa apoy, singhutin at lasapin, lahat na’y mamimilogro. Hindi tao, hindi bagay, naeengganyo sa bato. Nagiging demonyo. Sagot: adik.
Hindi kasama sa proseso ng buhay ang imahinasyon pagkatapos makatira ng bato. Ang mapaglarong-isip ay isinasabuhay at maitinong maipaglalabansa literature, maging sa panaginip o di kaya’y sa tunay na pangarap.

Monday, April 27, 2009

P2M bawat pagtulog. . .

Kung magbabayad lang ako sa mga pinangarap ko, malamang baon na ko sa utang.

Swerte ba talaga pag legal age na? Tiningnan ko nang malaliman ang aspeto ng buhay ko. Oo nga! Walang duda. Hindi ko alam kung anong nalunok ng kapalaran at pinagkatiwalaan akong hawakan ang tagumpay. Nakakatawa pero siguro dahil yun sa malakas kong paniniwala. Wala nga namang masama sa mangarap, libre nga e.

Ngayon, mas madalas na ko magsurf ng net. San? Dito sa nokia 3250 ko. Katunayan, dito ko tinatype ang kapirasong blog na 'to. Dahil din dito, mas updated na ko at mas nalilibot ko na ang malawak na mundo ng teknolohiya. Hinahabol ko ang bawat oportunidad na nag-aabang din sakin. Sa larangan ng pagsulat at iba pang hilig ko.

Mas madalas na kong magblog. Magfriendster. Mag-email. Magfacebook. At magmultiply.

Pormal ko nang binubuksan ang kurtina ko sa mundo ng BLOG.

Parang contest to na papasukan ko. At oportunidad, kung walang blog. Hindi niyo matutuklasan ang ako.

Ikaw, kung magbabayad ka sa mga pinangarap mo? Hanggang saan ka ililibing?

Sunday, April 26, 2009

IN THE HEART OF MANILA

I AM BIASED. I always say that I am proud Manileño when there are times that I have to say what place is the best. Certainly, Manila.

Being the capital city of the Philippines, Manila established good and quality infrastructure. The Intramuros which is the Walled City was built for the protection against Spaniards. Up to now, the Old Manila is still firm, gladly observing how people and culture of Filipino have changed. I am far from this place. The heart of Manila is where its historical landmarks are in. Manila City Hall, the center of government of the city is in front of the Old Manila. Near to it is the Luneta Park which marked the ending of the life of the National Hero. Fort Santiago, National Museum, and Manila Bay are some of the best places in Manila.

But aside from this great products of architecture and environment, Manila is where the best universities and colleges reside. The oldest is here. Students around the country chose to study in Manila for its schools are recognized.

I am from PUP. Not UP, LA SALLE, ATENEO, OR UST. Im from PUP as in POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES.

The name itself shouts out that Im a scholar. Not just by my mother, but by my nation. And without Manila, I am nothing.

Because of Manila, I finished my high school for free. My tertiary education commands tuition but it's just cheap.

Because of Manila, I learned the high's and low's of life. That there is poverty even in the Heart of Manila.

My future will succeed. Really. And I assure, that whatever will happen to me, I'll always be proud to be MANILEÑO.

Tuesday, February 10, 2009

Learn. Unlearn. Relearn.

Beyond every reality, behind every truth, is another reality or an alarming truth. Surrealism as it is. As I was crossing a highway in the University Belt wearing my shirt, lanyard, jeans and shoes, compressed by freedom education, I witnessed how people even the students from different walks of life proved the existence of illiteracy behind literacy within them. Disobeyed social agreement, ignored rules and regulations set by the authority and disrespected commandment of God. These are the living testimonies that each and every one of us is somehow illiterate. I saw myself crossed the way where pedestrian lanes where invisible. I am illiterate. We are illiterate.



According to the Merriam Webster’s dictionary, illiterate means unable to read and write or showing a lack of familiarity with the fundamentals of a particular knowledge but as Alvin Toffler has once said, “The illiterate of the 21st century will not be those who cannot read and write but those who cannot learn, unlearn and relearn.”



Modern illiteracy covers and masters unorganized government, terrorism, abortion, crime and all other actions packed and garmented by three superior words IMMORALITY, DESTRUCTION AND SIN, all against law, all against values and all against God. To be able to escape from that so called illiteracy, try to embrace the justified education.



Learn. Not all human re given the “rights” to go to school, thus, they became super illiterate while we, called and believed as educated people always play the burning fire of illiteracy. Learning is a compound process of practice and discipline. It indeed separate immoral elements from the stagnant yet appealing and powerful morality. Learning is the collection of knowledge, values and virtues. If you don’t possess these, then learning is not in you and graduations do not deserve you.



Learn to share knowledge. Intelligence is not measured by knowledge owned instead by knowledge shared. Learn to give, it lessens crime. Strive hard, it will nourish you. Learn to respect people, it reflects who you are and reflection creates imitation. Provide a clean reputation. Learn to sacrifice; it is one of the silent languages of love. Understand people around you; people are different so accept the fact that you are one of them. Learn to learn as every human should learn. Lastly, have fear on God.



Unlearn. With every cigarette smoked, four minutes of your life is reduced. Unlearn smoking. As alcoholic drinks flow to your system, almost fifty percent of the total system is devastated. Unlearn drinking. Our brains, when attacked by drugs will damage every stocked knowledge and even good ideas which are still on the process. Unlearn drug-addiction. These vices are learned with the great influence of modernity and as considered as the best avenues to death. Unlearn similar or interconnected lessons to these for these are the roots of anger, stress, conflict and rebellion on earth.



Relearn. Lessons learned not just inside the four corners of the classroom but also outside the real world must doom to repeat. Adjust to the changing generations but do not forget the moral brought by the yesterday instead reserve it for the tomorrow’s welfare. Relearning is not just simply reacquiring and repracticing values and knowledge but it is also connected with the verb sharing, teaching, touching and passing Share the knowledge, teach the exercise, touch others’ hearts and pass the ideal generation.



Illiterate people anywhere are the threat to the literate people everywhere. Do not engage yourself with the dark knowledge, full-pledged freedom, unprotected personality, green mind brainstorming, and other immoral application. Remember that life is not a matter of greatness. Life is not a matter of encircled digits in your class cards. Life is not a matter of achievements and recognitions, of awards and medals, of seminars and conferences. Life is not a matter of gold, of richness. Life is a matter of lessons. Lessons learned, lessons unlearned and lessons relearned.

Friday, February 6, 2009

Benchmarking a Manileño


Another triumph was accomplished by the world when March 29, 1991 came. I was born. The name Jerome P. Lucas has been blazed and somehow blessed by someone above. From then on, the chapter of my life began.
But the book of my life wouldn’t be made without the caring hands of my parents. My mother Josefina Papa who bore me was born and raised in Manila while my father Romeo Lucas was in Caloocan. I have two sisters. Maria Cinderella Lucas, my older sister, is a current accountancy student at Polytechnic University of the Philippines and the other one is Maria Kris Lucas, 15 years old, a third-year high school student at Victorino Mapa High School.
I knew Manila for a long time. The noise of the vehicles, democratic protests of mass, historical landmarks and everything about Manila has already been attached to my personality. But my personality wouldn’t be completed unless there was an institution which would do so. Aside from my family, the very first institution which taught me the basic things that every person should learn was the Palawan Learning Center, a private kindergarten school at Altura, Sta. Mesa. After one year of hard work in knowing the principles of child, after I unleashed my shyness, after I chose to have a privilege that every child must have, I graduated with honor. I knew that that graduation couldn’t be an answer for my dreams and prayers but that success could just be my stepping stone of what I would have and become someday.
From Altura, Sta. Mesa, my parents decided to live separated from my grandparents’ vicinity. So, we lived at C. De Dios Street still in Sta. Mesa. And up to now, we are spending our lives there. The next school which continued my anticipation and eagerness to explore the real meaning of life and living was Pio del Pilar Elementary School which is located at Pureza. Another ending has come but another beginning has to start.
High school came. Everything about me got older, I grew taller, my mind knew wider, my feelings became stronger but still I should know that I was still weak and unable to live and stand alone in this world of uncertainty. I was enrolled by my mother to a school where she graduated from, Victorino Mapa High School. That school was not just an ordinary school. Aside from being one of the famous school in Manila, it was also considered as one of the most competitive and outstanding school in the Division of City Schools. And before I entered the said school, I said to myself that graduating on that school would be my greatest achievement if ever.
I have to take a test for a scholarship before I could call myself a Mapan. Then, I became a scholar, not financial but educational. My teachers were extraordinary, the subjects I have to take were advance and the classmates I have were really talented and intelligent.
Three years had passed yet I was still at the top section. Then, I realized that if I would strive hard why I wouldn’t give my best for me to be an honor student of my batch. From first to third year, I didn’t have honors because I thought that I could not attain glory and I was not for the honor, I was for the experience of having the best competitive classmates but I realized that I could be on the line of honors if I would give much more effort and sincerity not only on my classmates but also on my studies. My fourth year in high school was the hardest challenge I had encountered. You didn’t know whom you should trust and whom you should leave behind because the last year in the high school was the judgment year for who’s best and who’s not. I graduated as third honorable-mentioned student of batch 2007.
My high school years had been very fruitful for me. I gained so much freedom and I had brought myself out on my own shell. I had been class officer since frst year to fourth year. I had won in a duet-singing competition together with another classmate. I also held so many club in my school such as Mother Science Club, Math Club, Buklod ng Wika Club, UNESCO, Graft Watch Club, Boy Scout of the Philippines, YWCA, Philatelic Club and most of all was the Supreme Student Government. My classmates and I had won several choric interpretation in English, Filipino and even in Araling Panlipunan Month. Our research proposal in Research had won the 4th place in the investigatory project proposal contest and it was submitted to UP for other contests in regional level.
I became responsible in Journalism so I became the assistant editor-in-chief, the editor of editorial page and the circulation manager of the school’s official newspaper called Ang Gabay. I have joined the editorial writing contest in my second and third year and unfortunately, I didn’t get any place so in my fourth year, I chose not to join the contest anymore and goal was to serve and to give my best for the most important reading material of the school and not to have the glory of fame.
“I never interfere my schooling with my education.” It is a quote that marked in my mind and it became my guideline in my education process.
Like any other students, I took many entrance examinations like UP, Lyceum, De La Salle, PLM and PUP. I have passed all even the test of the best university of Manila, the PLM except UP. PLM has no tuition fee yet I didn’t accept its offer because my course was not sure if it would be assigned to me because the curriculum of PLM is General Education (GE) where students will be enrolled in a course where he or she excelled even though it was not his or her intended course. I chose PUP because it is near from my house and I am sure that I could get the course that I want because PUP is not under GE.
Communication Research was not my first choice. It was really the Broadcast Communication. I enrolled at ComRes because of what the interviewer has told me. She stressed that I would have a better career if I would take ComRes and so I took it.
Now, I am on my tertiary education and I can say that it is full of competition and it will end for a nice vocation.
“Yesterday, I was benchmarked by Manila. Tomorrow, I will benchmark Manila.”