Isinulat ko noong:
Pebrero 19, 2009
Nakikipaghabulan sa hininga kasabay ng matinis na pag-iri ang eksenang unang patutunguhan ng bawat maliit na replica ng tao. Higit pa sa dugo’t pawis ang puhunan ng isang ina sa pagluluwal ng supling na kalauna’y sobra pa sa material at di-materyal na bagay ang hahanapin at ikabubuhay. Sila ang mga kanlungang di nawawasak anumang lindol at bagyo ang dumating ngunit buhos ng ulan ang aagos mula sa kanya sa oras na basagin ang puso niya ng isang mahal sa buhay, higit sa lahat ng kanyang sariling anak. Sa modernong kalakran, sila ang tinatawag nating DARNA… superherong bigo.
Hindi man pormal na sabihin ng lipunan. Hindi man tuluyang sabihin ng hari’t reyna ng pamahalaan. At hindi man lantarang aminin ng kabataan, mulat na mulat maging ang lupang di kumukurap sa katotohanang baka lango na sa droga ang kapatid mong mura pa ang gulang. Higit pa sa prinsipyo, kalayaan at moralidad ang ninanakaw ng isang drug user sa buhay niya. Paano pa kaya ang isang batang sa murang taon ay nabanatan na ng shabu o di kaya’y napaaway dahil dito? Pagkabata. Jackpot ang mabuhay nang nabibilad sa araw kakalaro ng patintero, nasusugatan kakatakbo at nadudungisan kakayapak. Edukasyon. Papayag ka bang di man lang makahaplos ng classcards? Nanakawan ka ng sarili mong kalokohan.
Isinilang si Darna para sa pandaigdigang kapayapaan tulad ng mga ulirang magulang na nagsasakripisyo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sa kabilang mundo nama’y nagtatago sa kumot ang mga anak na pinupuntirya ang deliryo’t kamangmangan. Droga sa halip na pluma. Lighter sa halip na kwaderno. Oo ga’t sa bato nagmumula ang powers ni Darna ngunit sa maliwanag na paglalarawan, representasyon lamang ito sa buhay ni Darna, walang buhay. Bato nga eh. Isang imahinasyon.
Binubuhay at patuloy na pinapatakbo ng ilang kabataan ang batong inihagis lang ni Ding. Walang magiging hero sa paghithit ng bato. Walang theory na nagsasabing sa pamamagitan ng bato, maililigtas mo ang kahiganteng batong tinatawag na mundo. Pagsama-samahin mo man ang milyun-milyong bato, malayo pa ito sa pagsagot sa problema ng mundo. Maging simpleng solusyong magpapaagos sa buhay tungo sa malamig na batis
Sa bawat isang milyong sanggol na iniluluwal ni Darna, isa lang ang sumuway sa tagubiling huwag durugin ang bato’t tunawin sa apoy, singhutin at lasapin, lahat na’y mamimilogro. Hindi tao, hindi bagay, naeengganyo sa bato. Nagiging demonyo. Sagot: adik.
Hindi kasama sa proseso ng buhay ang imahinasyon pagkatapos makatira ng bato. Ang mapaglarong-isip ay isinasabuhay at maitinong maipaglalabansa literature, maging sa panaginip o di kaya’y sa tunay na pangarap.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment