Thursday, April 30, 2009

Wednesday, April 29, 2009

Ang pagbibinata ni justin. . .

Sa pagsisimula kong maglakbay sa iba't ibang blogs, nakaramdam ako ng kakaibang pagkamangha sa galing ng mga PINOY pagdating sa malikhaing pagsulat. Marami ngang magagaling na manunulat sa bansa.

Bago ko ipost to, e nagsearch muna ko ng mga blogsites kung paano at ano ang kadalasang laman ng mga sites. Kadalasan, kwento ng sariling buhay. Nakabasa na rin ako tungkol sa mga samahan, mga kritiko at kung anu ano pa. Dahil din sa malawak na ang nararating ng cellphone ko, kung anu ano na rin ang nabasa ko.

Hindi ko intensyon ang mabasa ang isang blog. Walang title. Pero alam kong pambastos. Binasa ko pa rin. Naniwala na rin kasi ako na kasabay ng mga bagong kategorya ng literatura ay ang mga erotic literature (mayroon ding gay lit). Tungkol kay justin ang nabasa ko. Isang estudyante sa kolehiyo na may pagnanasa sa kanyang pinsan. Nagsimula ang maikling kwento sa pagsundo ni justin sa pinsan niyang si erika at doon di na nag-alinlangan pang umamin sa kanyang nararamdaman.

Mabilis ang daloy ng kwento. Sa motel agad ang tungo ng dalawa. Ang mga sumunod na eksena ay patungkol na sa walang kasawaang pag-iisang katawan ng dalawa. Di ko na ilalarawan pa. Ang masasabi ko lang e para siyang xerex story.

Sa dulo ng kwento ay naisambulat ni justin na hindi lang si erika ang kanyang nakakatalik. Hindi lang si erika ang kamag-anak niya na nakakatalik niya. Pati ang kanyang tiya lucy.

Ang pagtatago ni justin at ng kanyang tiya sa pagtatalik habang ang asawa niya ay nakikipag-inuman ay makatotohanang naisalaysay ng kwentista.

Patuloy ang daloy ng istorya sa pamamagitan ng araw-araw ng pagtatalik. Ang problema. Parehas niyang minahal ang dalawa. Problema rin niya, parehong di pwede. Kadugo niya kasi.

Nagulat lang ako sa reaksyon ng isang blogger din. Panget daw ang istorya. No comment. Frame of Preference sabi nga sa isa Communication Subject namin. Para lang sa akin, maganda ang istorya, hindi dahil bastos kundi dahil makatotohanan. Produkto naman ng realidad o imahinasyon, napagana ang isip ko kahit saglit. At sinalamin din nito ang bagong mukha ng literatura, ang EROTIKA.

Sinisinta Kita...




Ang Paboritong Libro ng mga PUPian.

At ang Totoong Mukha ni Pylon.

PATOK! (paglisan sa kontemporaryong sanaysay)

Isinulat noong:
Enero 22, 2009

Kung nakasakay ka na sa roller coaster, masasabi mong “astig” at kadalasan ditto umiikot ang buhay ng bakasyon, sa mga amusement rides na humihila ng sikmura, nang-aaliw, nagbubuklod at umuubos ng perang napamaskuhan. Para sa mga undergraduate gaya ko, ang mga plakang “CUBAO-DIVISORIA” at “PARANG-STOP & SHOP” ang humahalili at nagsisilbing gawi (ritwal na ata) para makaranas ng mga mala-SUPERMAN na lipad at mala-FLASH na bilis na ride. Jeep na PATOK kung sila’y bansagan.
Unlimited air. Yan ang masasagap ng baga mo pag nasubukan mong pumatol sa patok. Hanging maaaring mula sa mga tambutso ng mga mabibilis na sasakyan at ng mga mababagal. Hanging maaari ring singaw ng katabi mong sinuyod ang Kamaynilaan sa paghahanap ng disenteng trabaho o ng katapat mong kaeskwela mo o ng driver na tagaktak ang pawis, sariwa ang amoy, babad sa init. Hanging dala mo sa sarili mong katawan kasama ng pagod, hirap at sakripisyo bilang taong naghahangad makaraos lang sa bawat araw. Hanging niluto ng lipunan, ng sari-saring tao sukbit ang iba’t ibang lagay o sitwasyon sa buhay. Hanging nakakalunod.
Nang dahil sa patok, walang nalelate, bumibilis ang aksyon ng tao, ng ekonomiya, ng pera, ng hanapbuhay, ng gulay, prutas at iba pang produkto, ng pangarap, ng trapiko, pati ng buhay. Buhay na nasasayang dahil sa walang pakundangang pagmamaneho ng mga amo ng patok.
Nang dahil sa patok, akala ng iba’y nakakatipid ang gintong presyo ng gasoline ng mga jeep ngunit kabaligtaran. Nagagamit nang husto ang mga maliliit na piyesa nito na nagpapaandar at nagbibigay-daan para mas mauhaw sa gasoline ang jeep na patok.
Nang dahil sa patok, nagagawa ng isa na lumipad, mangarap, makasagasa, umunlad at sumadsad. Ang buhay…puno ng paglalarawan tulad ng sa pagharurot ng patok. Mabenta ngunit walang lugar sa katwiran. May lusot ngunit lamang ang gusot.
Hinuhulma ng lipnan ang tao sa dalawang paraan: ang tradisyonal at patok na pamamaraan. Kultura ang nagsasabing edukasyon at edukasyon lamang ang paraang maghahatid sa makabuluhang buhay. Naniniwala ang mga Pilipino noon na ang diploma ang susi sa makatarungang tranaghong masasabi mong naabot mo sa buhay mo. Kapatid ng paniniwalang ito ang pag-asang yumaman at hukayin ang paa ng buong angkan sa hirap, sa kumunoy, sa kawalan. Sa panahong bata pa ang isip, mag-aral nang mabuti ang number one rule.
Sagot ng patok, “In any rule, there is an exception.” Patok na buhay? Ang magtrabaho habang maaga para makakain, para mabuhay ngunit di para yumaman dahlia ang pagyaman ay isang kapalaran para sa mga fans ng patok. Sa ganitong pilosopiya rin ng buhay nabubuo ang makabagong depenisyon ng edukasyon: PRIBILEHIYO; katapat ng pera: para sa mayaman o may kaya; walang libre. Ang bawat libre, may bayad. Saan ka dadalhin? Sa nakasanayan. Anong ituturo? Ang mala-teleseryeng pagkamatiisin. Ang curriculum ay serye ng walang hanggang paglubog sa lupang sumpa sa di masolusyonang kahirapan at katiwalian. Ganyan ang buhay ng mga estudyante ng unibersidad ng kalye, estudyanteng wala sa apat na sulok kundi sa bilog at mabolang mundo. Naniniwala silang diskarte ang resume sa buhay at maabilidad ang lagging hired. Para sa kanila, ang buhay ay tadhana. Kung isinilang ka sa basurahan, makakarating ka sa paraiso, sa mabundok, sa pinanggalingan mo…Payatas. Patapon.
Madalas, niyayakap tayo ng mas patok na prinsipyo, yung dinudumog at pinagkakaguluhan. Patok ba ang patok sa iyo? Ang bawat pintuan ay may limitadong haba at lawak lamang. Ibig sabihin, sa bawat kumpol ng publiko, iilan lang ang makakapasok. Gaya sa patok na pamumuhay, iilan lang ang qualified mabuhay nang swertr, nang makaahon nang walang tinta sa utak at walang logic sa mga mata.
In every action, there’s an opposite reaction. Ang sakripisyo para matuto sa thesis, termpapers, reaction papers at iba pang may papers sa pangalan ay ang pinakamalinaw na entry sa raffle ng tagumpay. Hindi lang obvious. Talino at karanasang dala sa classroom ang tamang resume. Bonus na rin ang diskarte. Ang unang galaw ng patok ay nakasalalay sa mga taong naniniwala sa bilis ng buntot ng usok. Paminsan-minsan, patok sa akin ang mahaharot na jeep. Hindi dahil nagmamadali ako sa bawat minsan kundi dahil minsan sa buhay ko, napagod din ako.

Graduation RIGHTS!




Eto ako noon, Paano na ako NGAYON?

54 faces, 54 trends

Isinulat nooong:
Enero 3, 2009
Limapu’t apat na kahong patag,
Naglipana. Bawat isa, sa kapwa kahon ay panatag.
Konkretong anino’y hinahabol.
Tingi’y abot; paa’y iba na ang silong.

Hilera ang larawan, sana’y bundok at patong na lamang.
Iisa ang nakatingala,
Dalawang gusali ang saksi.
Apat na tao’y kalakip, isang milenyo ang kapalit.
Titikom na lang sa oras na mangyaring muli.

Kutsilyong nagpatulis sa aming dulong itaas,
Paltos man ang dulot ng mahabang paglalakbay.
Isang pagyuko at isang pagkaway,
Aming ibibigay.

Anumang oras, pangala’y magbabago.
Larangang niyakap, tinaplos at tinuluyan,
Siyang bubuhay sa kasalukuyang larawan.

Bakas na lamang kami;
Anino kumbaga.
Kahapon ang tawag,
Kaibigan,
Kailanman.

Litrato, litrato.
Totoong litrato… ang hanap at sinisigaw ko.

BINTANG PAARALAN (THEME SONG NG PUP)




ITO ANG KANTANG PAMALIT SA PINAKAINAAWAY NA ISKUL SA KOLEHIYO. Joke.

Isinulat noong:
Pebrero 9, 2009

Bintang Paaralan
“Salot ng Lipunan”
Takbuhan lamang ng mahihirap
Silang may kaya, alam lamang puros sarap
Wala nang inisip
Kundi mang-apak

Sisikpain ang makatapos
Mula ngayon hanggang sa bukas

Ang iyong uyam, kutya, at pang-aasar,
Piliting maging abo
Para langmakita
Piliting maging tao

Sisikapin ang makatapos
Mula ngayon hanggang sa bukas

Para sa mga kapwa ko iskolar ng bayan na inaapi, dinudusta, kinukutya. Tuloy ang laban.

SINIMULAN NI FRANCIS M., IPAGPAPATULOY KO.




MAY DUGONG MAKABAYAN!


aba, kung mayaman lang ako, nabili ko na mga makabayang damit sa mga mall. kasi hindi eh, masaklap.

Ang panganganak ni Darna

Isinulat ko noong:
Pebrero 19, 2009

Nakikipaghabulan sa hininga kasabay ng matinis na pag-iri ang eksenang unang patutunguhan ng bawat maliit na replica ng tao. Higit pa sa dugo’t pawis ang puhunan ng isang ina sa pagluluwal ng supling na kalauna’y sobra pa sa material at di-materyal na bagay ang hahanapin at ikabubuhay. Sila ang mga kanlungang di nawawasak anumang lindol at bagyo ang dumating ngunit buhos ng ulan ang aagos mula sa kanya sa oras na basagin ang puso niya ng isang mahal sa buhay, higit sa lahat ng kanyang sariling anak. Sa modernong kalakran, sila ang tinatawag nating DARNA… superherong bigo.

Hindi man pormal na sabihin ng lipunan. Hindi man tuluyang sabihin ng hari’t reyna ng pamahalaan. At hindi man lantarang aminin ng kabataan, mulat na mulat maging ang lupang di kumukurap sa katotohanang baka lango na sa droga ang kapatid mong mura pa ang gulang. Higit pa sa prinsipyo, kalayaan at moralidad ang ninanakaw ng isang drug user sa buhay niya. Paano pa kaya ang isang batang sa murang taon ay nabanatan na ng shabu o di kaya’y napaaway dahil dito? Pagkabata. Jackpot ang mabuhay nang nabibilad sa araw kakalaro ng patintero, nasusugatan kakatakbo at nadudungisan kakayapak. Edukasyon. Papayag ka bang di man lang makahaplos ng classcards? Nanakawan ka ng sarili mong kalokohan.
Isinilang si Darna para sa pandaigdigang kapayapaan tulad ng mga ulirang magulang na nagsasakripisyo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sa kabilang mundo nama’y nagtatago sa kumot ang mga anak na pinupuntirya ang deliryo’t kamangmangan. Droga sa halip na pluma. Lighter sa halip na kwaderno. Oo ga’t sa bato nagmumula ang powers ni Darna ngunit sa maliwanag na paglalarawan, representasyon lamang ito sa buhay ni Darna, walang buhay. Bato nga eh. Isang imahinasyon.
Binubuhay at patuloy na pinapatakbo ng ilang kabataan ang batong inihagis lang ni Ding. Walang magiging hero sa paghithit ng bato. Walang theory na nagsasabing sa pamamagitan ng bato, maililigtas mo ang kahiganteng batong tinatawag na mundo. Pagsama-samahin mo man ang milyun-milyong bato, malayo pa ito sa pagsagot sa problema ng mundo. Maging simpleng solusyong magpapaagos sa buhay tungo sa malamig na batis
Sa bawat isang milyong sanggol na iniluluwal ni Darna, isa lang ang sumuway sa tagubiling huwag durugin ang bato’t tunawin sa apoy, singhutin at lasapin, lahat na’y mamimilogro. Hindi tao, hindi bagay, naeengganyo sa bato. Nagiging demonyo. Sagot: adik.
Hindi kasama sa proseso ng buhay ang imahinasyon pagkatapos makatira ng bato. Ang mapaglarong-isip ay isinasabuhay at maitinong maipaglalabansa literature, maging sa panaginip o di kaya’y sa tunay na pangarap.

Monday, April 27, 2009

P2M bawat pagtulog. . .

Kung magbabayad lang ako sa mga pinangarap ko, malamang baon na ko sa utang.

Swerte ba talaga pag legal age na? Tiningnan ko nang malaliman ang aspeto ng buhay ko. Oo nga! Walang duda. Hindi ko alam kung anong nalunok ng kapalaran at pinagkatiwalaan akong hawakan ang tagumpay. Nakakatawa pero siguro dahil yun sa malakas kong paniniwala. Wala nga namang masama sa mangarap, libre nga e.

Ngayon, mas madalas na ko magsurf ng net. San? Dito sa nokia 3250 ko. Katunayan, dito ko tinatype ang kapirasong blog na 'to. Dahil din dito, mas updated na ko at mas nalilibot ko na ang malawak na mundo ng teknolohiya. Hinahabol ko ang bawat oportunidad na nag-aabang din sakin. Sa larangan ng pagsulat at iba pang hilig ko.

Mas madalas na kong magblog. Magfriendster. Mag-email. Magfacebook. At magmultiply.

Pormal ko nang binubuksan ang kurtina ko sa mundo ng BLOG.

Parang contest to na papasukan ko. At oportunidad, kung walang blog. Hindi niyo matutuklasan ang ako.

Ikaw, kung magbabayad ka sa mga pinangarap mo? Hanggang saan ka ililibing?

Sunday, April 26, 2009

IN THE HEART OF MANILA

I AM BIASED. I always say that I am proud Manileño when there are times that I have to say what place is the best. Certainly, Manila.

Being the capital city of the Philippines, Manila established good and quality infrastructure. The Intramuros which is the Walled City was built for the protection against Spaniards. Up to now, the Old Manila is still firm, gladly observing how people and culture of Filipino have changed. I am far from this place. The heart of Manila is where its historical landmarks are in. Manila City Hall, the center of government of the city is in front of the Old Manila. Near to it is the Luneta Park which marked the ending of the life of the National Hero. Fort Santiago, National Museum, and Manila Bay are some of the best places in Manila.

But aside from this great products of architecture and environment, Manila is where the best universities and colleges reside. The oldest is here. Students around the country chose to study in Manila for its schools are recognized.

I am from PUP. Not UP, LA SALLE, ATENEO, OR UST. Im from PUP as in POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES.

The name itself shouts out that Im a scholar. Not just by my mother, but by my nation. And without Manila, I am nothing.

Because of Manila, I finished my high school for free. My tertiary education commands tuition but it's just cheap.

Because of Manila, I learned the high's and low's of life. That there is poverty even in the Heart of Manila.

My future will succeed. Really. And I assure, that whatever will happen to me, I'll always be proud to be MANILEÑO.